Monday, March 2, 2009

Daily Text Message:

May mag-asawang nag-away. Hindi sila nag-uusap dahil nagpapataasan ng pride. Ang unang magsalita, talo!

Yung lalaki, kailangang gumising ng maaga kasi may flight sya papuntang US. Ayaw nya kausapin ang asawa niya dahil matatlo sya kaya nagsulat siya sa isang kapirasong papel: "pakigising ako ng ala-singko ng umaga."

Kinabukasan, nagising ang lalaki ng alas-otso ng umaga. Galit na galit siya na kakausapin na sana niya ang asawa nang may napansin siyang isang sulat sa tabi ng kama, "GISING NA, ALA-SINGKO NA, BAKA MA-LATE KA SA FLIGHT MO!"

No comments:

Post a Comment