Showing posts with label personal blog. Show all posts
Showing posts with label personal blog. Show all posts

Tuesday, September 22, 2009

UP ACES National CE Quiz Show 2009

Hanggang ngayon 'disappointed' parin ako sa kinahinatnan ng competition last saturday. it's my last chance to win the competition pero hindi pa nangyari. Siguro nga, hindi talaga para sa akin yun, nakakalungkot lang dahil alam mong kaya mong manalo pero parang ayaw yata talaga ng pagkakataon.

Actually UP CE Quiz is one of the greastest competition organized by students, at isa ito sa mga competition na magaling ang pagkaka-organized. There are 120+ participant from 60+ school nationwide. Dahil sa sobrang dami ng participants, hinati ito sa dalawang grupo (which they call rosters) at maximum of 2 groups per school ang allowed.

May tatlong rounds ng elimination, ang bawat roster ay may dalawang hiwalay na elimination. First, a total of 21 questions will be asked, 7 questions each for easy, average and difficult round with 20, 30 and 40 points, respectively. Pagkatapos ng first elimination, 4 highest pointer team will automatically be qualified for the final round, habang ang mga naiwan ay maglalaro sa second roung ng elimination kung saan 15 questions nalang ang itatanong, 5 each for easy, average and difficult with the same point system, pero back to zero ang scores. after this round top three team will move on to final round. Seven teams na ang pumasok sa final round for each roster so 14 na lahat. Ngayon, yung 100+ teams na hindi nag-qualify, maglalaban silang lahat sa last round ng elimination. Same as second round, 15 questions parin at after ng elimination, top 6 teams will join the first 14 teams to complete the top 20 to compete in the Final Round. Sa final round 24 questions will be asked, 8 questions each for easy, average and difficult with the same point system. It's a whole day activity na inabot ng gabi, at sa buong araw na yun, bawal ang celphone.

Going back, actually dahil nagrereview na ako for board exam, madali nlang dapat skin ang manalo with this competition. We qualify sa top 20 teams, and each team may equal chance para manalo, and actually at the end, magkakalapit lang ang scores. ang nagpahirap lang nman talaga sa competition na to ung mga questions requiring terms eh. Wala naman kasi identification sa board exam noh, hehe. pero un na nga eh, given na hindi ko na forte ang terms qustion, dapat man lang nasagot ko mga problem solving question. actually nasolve ko naman, time pressure lang talaga, biruin mo, ung mga problems na sinosolve sa school for 30 minutes or even an hour, doon maximum na ang 60 seconds, so i-flash palang ang question dapat nagsosolve kana, and that's what i did. i solved the problems accurately, yun nga lang sa kakamadali, when i raised the answers, dun ko napapansin na nakaspecify sa problem na dapat whole number, two significant digit, etc. dun nadale, for 2-30 point question and a 40-point question..sayang ang 100 points, and we end up ang score nmin 150, while the champion UPLB-250, Bulacan State U-240 and Batangas State U-220, they won 1st, 2nd, and 3rd place, respectively and we landed on the 9th place yata kasi may 210, 200, 190, 180, 160. sobrang hinayang. and that's when i realized na siguro nga talagang hindi para sa akin yun, i know how to solve the problems, i know the answers, pero kung talagang hindi para sa'yo. wala.

Although pagbalik ko ng school kanina they are still congratulating us, it's an honor na rin daw to be on the top schools out of 120+ competing teams, pero iba pa rin kung nasama man lang kami sa top 3 eh. But, that's life, yun ang gusto ni bro eh. Bawi nalang sa Board Exam, malapit na..exactly 60 days to go..

Thursday, September 3, 2009

Salamat "Bro"

Ngayon'y alam ko na kung bakit hinayaan ni "Bro" na bumaba ang resulta ng aking pangalawang "Pre-Board Examination". Siguro nga'y lubha akong naging kampante sa kinalabasan ng naunang "Pre-Board Exam" at hindi ko pinagtuunan ng pansin ang nakaraang pagsusulit. Bagamat pasado, nakakalungkot pa rin dahil bumaba ang aking kabuuang grado. Kung dati ay napabilang ako sa mga nakakuha ng mataas sa nauang pagsusulit ng RI (Review Innovations) sa buong kapuluan, ngayon ay siguradong mawawala na ang aking pangalan doon. Ibig lang siguro niyang ipaunawa sa akin na kailangan ko talagang pagtuunan ng pansin ang bawat bagay at lalong magsumikap upang lalong mapaghusay ang mga bagay na ating ninanais. Siguro'y panahon na upang magseryoso sa pag-aaral para sa mismong "Board Exam". Halos dalawang buwan nalang ang nalalabing panahon. Salamat "Bro".

Isang mapagpalayang araw..

Monday, May 25, 2009

laglag barya gang

sabi ng iba laglag barya gang daw ang mga taong kumuha ng aking phone..first time ko sila maencounter..haha..eto po ang mga pangyayari ng mga sandaling iyon:..


Sunday, May 24, 2009. hinatid ko ang aking pamangkin sa bulacan ksama ang aking nanay..after a bus ride from gapan, bumaba kami sa sta. rita, guiginto, bulacan and take a jeep going to meycauayan..wla pa maxado tao sa jeep so sa tabi ng entrance ako umupo while my mom and my niece on the other side..sa bandang balagtas, bulacan, may dalawang lalaki na sumakay, ang isa umupo on my right ang isa naman sa kbilang entrance, tapos xempre nagbayad..then may 3 lalaki na pumasok uli ng jeep, sa harap ko nkita kong nsagi ng
nsa harap ko ang kmay ng huling pumasok, at nahulog ang 4 pesos..so pinulot ng nsa harapan ko ang pera..mayron pa pumasok sa ilalim ng aking inuupuan..that time may dala akong sako bag na pasalubong para sa aking ate (ang nanay ng aking pamangkin) ang sbi ng nasa harap ko itaas ko daw muna ang bag para makuha nia ung barya..so i did and put it on my lap..nagtataka ako bkit pati ang paa ko ay winawagwag nia..but then hinayaan ko nalang
..3 pesos palang ang nkukuha nia at may piso pa na naiwan pero bigla xang bumaba ndi kalayuan mula sa knilang pinagsakayan..
tpos ang mga natira ay gumawa ng eksena..ang nsa tabi ko ay dumura at pumara na, sinabi nia sa lalaki na katabi nia na may laway pa sa sandalan ng upuan at
tuluyan na itong bumaba..ang lalaki namang iyon ay pumunta malapit sa driver at ng hingi ng basahan,ipanasa ang basahan at may nagpunas ng upuan..habang nangyayari un, ang isa naman ay pinupunasan ang damit ng isang babae dahil sinasabing may laway daw ito ngunit wala namang makita ang asawa ng babae,pagkatapos nun ay sabay2 ng bumaba ang tatlo pero bago bumaba ang isa ang sabi nia sa babae,"ale ung wallet nio nahulog"..pagkababa nila, tumahimik sa jeep dun ko na naisipang tingnan ang phone ko..i have 2 phones that time..a nokia 3310 for my smart and a samsung E250 for my globe..that time magkasama ang 2 phones na un sa 1 pocket ko..pero ang 3310 nalng ang nakuha ko sa pocket ko, tinanong ko ang nanay ko kung naibigay ko ba ung phone ko sa kanya at dun ko na naisip na nawala na ang phone ko, tinawagan ko ang phone ko at ng-ring pero pinatay agad at sa sumunod ay un-aatended na,ang sabi din ng babae na nabuksan din ang bag nia at nakuha ang wallet, sa kagandahang palad ay walang laman iyon kaya siguro ibinalik nalang sa kanya..akalain mo naawa pa sa akin ang magnanakaw at iniwan pa sa akin ang 3310 ko..

it was so depressing, dahil sa pagkawala ng phone ko para narin akong nawalan ng digicam,videocam,organizer at music player na ginagamit kong pampatulog sa gabi..ang mga files na wala akong ibang copy ay nandun din..

but then i learned my lesson at pag ngyari ito uli sakin alam ko na ang gagawin ko..sana msaya sila sa nakuha nila at sana nakatulong ang phone ko sa kanila..

text message i have forwarded last sunday (may 24, 2009) using my smart sim..

isang quote na mula na naman kay Bob Ong:
"kung ang tinapay ngal na iniwan mo sa iyong mesa ay may kumukuha, yun pa kayang mga bagay na mas mahalaga sa'yo?..walang ng nagtatagal sa panahong ito at kung may iiwanan kang bagay, siguraduhin mong hindi na iyon mahalaga"
..isang mapagpalayang araw..kananakaw lang ng isang phone ko:-(