Thursday, September 3, 2009

Salamat "Bro"

Ngayon'y alam ko na kung bakit hinayaan ni "Bro" na bumaba ang resulta ng aking pangalawang "Pre-Board Examination". Siguro nga'y lubha akong naging kampante sa kinalabasan ng naunang "Pre-Board Exam" at hindi ko pinagtuunan ng pansin ang nakaraang pagsusulit. Bagamat pasado, nakakalungkot pa rin dahil bumaba ang aking kabuuang grado. Kung dati ay napabilang ako sa mga nakakuha ng mataas sa nauang pagsusulit ng RI (Review Innovations) sa buong kapuluan, ngayon ay siguradong mawawala na ang aking pangalan doon. Ibig lang siguro niyang ipaunawa sa akin na kailangan ko talagang pagtuunan ng pansin ang bawat bagay at lalong magsumikap upang lalong mapaghusay ang mga bagay na ating ninanais. Siguro'y panahon na upang magseryoso sa pag-aaral para sa mismong "Board Exam". Halos dalawang buwan nalang ang nalalabing panahon. Salamat "Bro".

Isang mapagpalayang araw..

No comments:

Post a Comment